Panoorin: Daniel Padilla, Talagang Patagong Gumawa Ng Kabaitan Para Sa Isang Sampaguita Vendor Nakakabilib
Narinig namin na isang kaibigan ang nag-text sa amin na nasaksihan daw niya kung gaano kabait si Daniel Padilla. May pictorial daw para sa cover ng isang glossy magazine sina Daniel at Kathryn Bernardo noong nakaraang Miyerkules ng hapon. Sa isang studio raw iyon sa Katipunan, Quezon City at pagkatapos ng pictorial ay nakita raw niyang inihatid ni Daniel sa kotse si Kathryn kasama ang Mommy Min ng Kapamilya young actress. May batang lalaki raw na nagtitinda ng sampaguita na lumapit kay Daniel para alukin. Wala palang dala si Daniel na cash, kaya isinama raw niya ang bata sa kotse. Humiram si Daniel ng pera sa kanyang road manager at patagong ibinigay sa bata. Hindi na nito kinuha ang sampaguita. Tuwang-tuwa raw ang bata na umalis. Dalawang tig-100 ang ibinigay ni Daniel. Sabi raw ng bata, lalo raw niyang na-idolize ang Kapamilya young actor. source: philstar
PANOORIN ANG VIDEO

Comments
Post a Comment